Ano Ang Mga Natutunan Mo Sa Modyul 15 Lokal At Global Na Demand
Ano ang mga natutunan mo sa modyul 15 lokal at global na demand ESP 9: Modyul 15: Lokal at Global na Demand Sa modyul na ito ay natutunan ko na hindi problema ang demand sa trabaho lokal man o global, ang malaking suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante. Ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na pupuno sa mga posisyon na kailangan lokal man o internasyonal ay bunga ng kakulangan ng kasanayan sapagkat ang mga ito ay nakatuon din sa kursong pang - akademiko, teknikal - bokasyonal, sining, palakasan, at negosyo. Ang pagpili ng track at strand ay ang unang hakbang upang makapili ng kurso na tugma sa hilig ng isang tao. Natutunan ko rin na walang trabaho ang makahihigit pa sa uri ng trabaho na pwedeng pasukin ng tao kung ito ay tumutugon sa pangangilangan ng industriya. Mahalaga rin na ito ay batay sa moral na batayan ng paggawa, hilig, talento, at kakayahan. Ang pagkakaroon ng sapat na demand sa mga trabaho sa lokal at sa pandaigdigan ay makatutulong up...