Buong Kwento Ng Ibong Adarna

Buong kwento ng ibong adarna

  Ang Ibong Adarna ay isang tula noong ika labing anim na dekada. Ito ay isang mahiwagang ibon sapagkat sa pamamagitan ng kanyang awit ito ay may katangiang magpagaling ng anumang karamdaman sa sinumang makakarinig nito.  Ito ay nagpapahinga sa punong pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi.  Umaawit ang ibong adarna ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nagiiba ang anyo ng kanyang balahibo. Ang nakakarinig ng kanyang awit ay sapilitang nakakatulog sa ika pitong pag awit na ginagawa ng ibon.  Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog at kung sinumang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.

Karagdagang Kaalaman

  Ang istorya ng ibong adarna ay bumubuo sa buhay ng isang kaharian ng Berbanya, ito ay sina Haring Fernando, Reyna Valeriana at tatlong anak na prinsipe Pedro, Diego at Juan. Dahil sa isang masamang panaginip ni Haring Fernando sa kanyang isang anak na si Don Juan ay nagkasaakit ito ng malubha. Ayon sa doktor na kumonsulta sa hari ay wala silang magagawa at ang tanging makakapagpagaling lamang sa karamdamang ito ay ang ibong adarna sa pamamagitan ng kanyang pagawit. At dahil dito ay ipinatawag ng hari ang anak niya na si Don Pedro para hanapin ang ibong adarna. Nagsimulang maglakbay ang prinsipe para mahanap ang ginintuang puno ng Piedras Platas. Sa loob ng tatlong buwan ay nakita niya ito ay nagpahinga muna siya sa ilalim ng puno sa kapaguran at kauhawan. Ng kinagabihan ay dumapo ang ibong adarna sa ginintuang puno at nagsimula na itong umawit. Dahil sa ganda ng huni ng ibon ay makakatulog ang sinumang makakarinig nito. At dahil doon ay nakatulog si Don Pedro. Pagkatapos ng ika- pitong kanta ng ibong addarna ay nagbawas ito at napatakan si Don Pedro, at ito ay naging isang bato.  

  Dahil sa tagal ng pagbabalik ng unang prinsipe ay nagpasiya ang hari na ipaddala naman si Don Diego ang kanyang ikalawang anak para hanapin ang ibong adarna. Umabot ng limang buwan bago mahanap ni Don Diego ang puno ng Piedras Platas. Naging magkapareho ang naging karanasan ni Don Diego sa kanyang kapatid na si Don Pedro sa paghahanap ng ibong adarna. Makalipas ang tatlong taon ay naisipan na ng bunsong anak ng hari na si Don Juan na hanapin ang kanyang mga kapatid at ang ibong adarna. Kahit labag sa kalooban ng hari ay pinayagan niyang maglakbay ang kanyang bunsong anak.  

  Naglakbay si Don Juan at nakakita ito ng isang ermitanyo. Nabanggit ng prinsipe ang balak niyang hanapin ang ibong adarna para sa kanyang ama na may sakit.Dahil sa mabuting kalooban ng prinsipe ay pinayuhan ng ermitanyo kung pano niya matatagpuan ang ibon at binigyan si Don juan ng isang kutsilyo at isang lemon. Sinabi niya sa prinsipe na sa bawat awit ng ibon ay kailangan nitong maghiwa ng sarili at patakan ito ng katas ng lemon. Binigyan nya din ng isang balde ang prinsipe para kung sakaling makakita ito ng balon ay kailangan niyang kumuha ng tubig at ibuhos sa dalawa niyang kapatid para bumalik ito sa dati nilang kaanyuan. Nagpasalamat si Don Juan sa ermitanyo at nagsimula na ulit maglakbay. Umabot ng apat na buwan bago makita ng prinsipe ang ginuntuang puno. Ng magdilim ay dumapo na ang ang ibong adarna sa puno at nagsimula ng umawit. Ginawa ni Don Juan ang laht ng payo ng ermitanyo at nalampasan niya ang kaantukan. Sa huli ay naglabas muli ang ibon at nakailag dito ang prinsipe. At dahil doon ay nakuha niya ang ibon at muling nagbalik ang anyo ng kanyang mga kapatid. Nang naglalakbay ang tatlo pagbalik sa kaharian ay naisipan ni Don Pedro at Don Diego na paslangin ang kapatid at sabihin na hindi nila nakita ang kapatid na si Don Juan sa paglalakbay nila. Nang umuwi ng kaharian ang may hawak ng ibon ay ang dalawang magkapatid at itinanggi sa prinsipe na nakita ang kapatid. Nang mag gabi ay di umawit ang ibon sapagkat hindi ang dalawang prinsipe ang nakahuli sa kanya. Dahil sa bugbog ng mga kapatid kay Don Juan ay ipinalangin na lamang nito ang pag galing ng kanyang ama ngunit pinilit niyang makauwi sa palasyo. Nang mkauwi siya ay buong galak ang saya ng lahat ng tao sa kaharian maliban sa dalawa nitong kapatid. Nang hinawakan ni Don Juan ang ibon ay umawit ito at doon ay nalaman na ang tunay na nakahuli sa ibon ay si Don Juan. Sa galit ng hari sa dalawa niyang anak ay pinarusahan ito pero dahil sa busilak na puso ng kanyang bunsong anak na si Don Juan ay pinatawad niya ang dalawang kapatid na si Don Diego at Don Pedro. Inilagaan ng hari at itinuring na parang tao ang ibong adarna sa palasyo. Pinaggawa niya ito ng isang magandang tirahan at pinapabantayan kada 3 oras sa mga tao sa palasyo.

Tanong na may kaugnayan

  1. Buod ng Ibong Adarna: brainly.ph/question/168156

Comments

Popular posts from this blog

As A New Generation Of Filipinos What Can We Learn From This Period In Our History

Paliwanag Sa Kabanata 25 Tawanan At Iyakan Sa El Filibusterismo

Ano Ang Mitsa Ng Paghihimagsik Ni Simoun