Ano Ang Pasalitang Pag Uulat S Maliit At Malaking Pangkat
Ano ang pasalitang pag uulat s maliit at malaking pangkat
Ang pasalitang pag-uulat sa maliit at malaking pangkat ay isang uri ng pagsasalaysay sa harap ng mga tao o tagapakinig. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa liit o dami ng mga tagapakinig. Subalit ang ibayong paghahanda at kaalaman ng isang tagapagsalita ay marapat na maipamalas sa oras ng pag-uulat.
Mga Gabay sa Maayos ng Pag-uulat
- Kinakailangang may sapat at kakayahang makasagot sa lahat ng kinakailangan ng mga tagapakinig batay sa paksa.
- Ang paksang iuulat ay dapat naaayon sa pagkakasunod-sunod at naihahayag ng buong linaw sa mga tagapakinig.
- Hiniling din ang tamang lakas ng boses para sa gagawing pag-uulat.
- Mahalagang angkop ang kasuotan na gagamitin sa gagawing pag-uulat.
- Higit sa lahat ang tiwala at kompyansa sa sarili ay lubos na hinihingi sa gagawing pagpapahayag ng ulat maliit o malaki mang pangkat ito.
Para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment