Para Sa Iyo, Ano Ba Ang Sukatan Ng Pagtatagumpay? Ipaliwanag.

Para sa iyo, ano ba ang sukatan ng pagtatagumpay? Ipaliwanag.

Answer:

Para sa akin, ang sukatan ng pagtatagumpay ay ang pagkamit ng kasiyahan na hindi nabibili ng pera.

Explanation:

  • Ang pagtatagumpay ay galing sa salitang tagumpay na nangangahulugang "success" sa wikang Ingles.
  • Ang pagtatagumpay ay nangangahulugang pagkamit ng iyong mga pangarap at naisin.
  • Bawat tao ay may sariling depinisyon ng tagumpay - kung ano ba ang gusto nilang makamit sa buhay.
  • Maraming tao ay may naising maging mayaman o sikat upang masabi na sila ay matagumpay sa buhay. Ang gusto nila ay magkaroon ng maraming pera, malaking bahay, mga kotse, mga alahas, at iba.
  • Ngunit para sa akin, ang sukatan ng pagtatagumpay ay ang pagkamit ng kasiyahan na hindi nabibili ng pera. Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng oras para sa mga mahal sa buhay, pagtulong sa mga kamag-anak, pagtulong sa mga nangangailangan, at iba pa.

Iyan ang sukatan ng pagtatagumpay para sa akin.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa pagtatagumpay. Ano pa ba ang ibang kahulugan ng tagumpay? brainly.ph/question/1136159, brainly.ph/question/1136169 at brainly.ph/question/550285

9.24.1.16.


Comments

Popular posts from this blog

As A New Generation Of Filipinos What Can We Learn From This Period In Our History

Paliwanag Sa Kabanata 25 Tawanan At Iyakan Sa El Filibusterismo

Ano Ang Mitsa Ng Paghihimagsik Ni Simoun