Ang Tunay Na Paglaya Ay Nasa Paglaya Ng Isipan

Ang tunay na paglaya ay Nasa paglaya Ng isipan

Lahat ng tao ay may kalayaan, kaya nga pinapatupad ang human rights dahil ang Diyos mismo ang nagbigay kalayaan sa tao kung kayat walang sino mang pwedeng manghahawakan sa kalayaan nito maliban nalang kung ang  tao ay nagbibigay pahintulot sa iba na pwedeng mag control sa buhay nito.

Kahit pa sabihin natin na ang mga anak ay nakasalalay ang kanilang pangangailangan sa buhay sa kanilang mga magulang habang na sa poder pa nila ito, ang kanilang kalayaan ay nag depende sa kanilang mga magulang lalo nat sa mga magulang na sobrang napaka estrikto ng kanilang mga kabataan. Pinahintulutan ng Diyos ang mga magulang na humawak ng kalayaan ng kanilang mga anak pero hindi sa lahat ng bagay, katulad na lamang ng mga pagpapasya ng anak habang ito ay menor de edad pa ito ay nakasalalay sa mga magulang lalo nat sa pag dedesiplina nito.

Pero totoo nga ba na ang tunay na kalayaan ay nasa paglaya ng isipan? Oo ang sagot nito.

Ito ang mga kadahilanan:

  • Hindi masaya ang tao kung parating may nagpagulo sa kanyang isipan.
  • Kulang sa konsentrasyon o pag focus ang taong hindi malaya ang isipan.
  • Hindi makakatulog ng mabuti ang taong may maraming iniisip na suliranin sa buhay.
  • Nagdadala ng masidhing sakit sa tao kung di malaya ang isipan nito sa kahit anong bagay.
  • Walang ideya ang taong di makapagpasya sa sarili.

Bakit nga ba mahalaga ang paglaya ng isipan? Dahil ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng peace of mind o kapayapaan ng isipan bagaman lahat ng tao ay bihira na lamang ang nagkakaroon nito dahil sa sobrang napakagulo ng mundo at madaming mga suliranin sa buhay ng tao.

Ang mga tao sa ngayon ay di na gaanong nakamit ang kalayaan ng isip dahil sa dami ng mga nakakahadlang sa kaligayan ng tao halimbawa na lamang ay ang ibat ibang mga ginagampanan sa araw-araw na pangangailangan na mahirap maabot at minsan naman ay sa sobrang pagtrabaho na halos wala ng panahon para sa sarili.

Kung malaya ang ating isipan ay may malaking kabutihang maidudulot ito katulad ng lamang ng;

  1. Makapagpapasya ang tao ng mabuti.
  2. Maging maganda sa kalusugan dahil iwas stress ito.
  3. Makapag isip ng tamang desisyon sa buhay.
  4. Maging masiyahin kahit sa kabila ng mga problema sa buhay.
  5. Mas madaling maka intindi sa kahit anumang sitwasyon.
  6. Prayoridad nito ang pagkasunod-sunod na gawain.
  7. Di nag-iisip ng di makakabuti sa kapwa at sa sarili.
  8. Mas maging alerto sa kapakanan ng iba.
  9. Madaling kausap.
  10. Mas madali tayong makapagbigay payo sa iba.

Kailangan talagang bigyang pansin kung anu ang pangangailangan ng ating isipan upang mapalaya ito dahil malaking tulong ito sa ating buhay at kinabukasan.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tingnan ang iba pang mga sagot sa ibaba:

brainly.ph/question/413484

brainly.ph/question/162426

brainly.ph/question/468301    


Comments

Popular posts from this blog

As A New Generation Of Filipinos What Can We Learn From This Period In Our History

Paliwanag Sa Kabanata 25 Tawanan At Iyakan Sa El Filibusterismo

Ano Ang Mitsa Ng Paghihimagsik Ni Simoun