Ano Ang Mga Natutunan Mo Sa Modyul 15 Lokal At Global Na Demand

Ano ang mga natutunan mo sa modyul 15 lokal at global na demand

ESP 9:

Modyul 15: Lokal at Global na Demand

Sa modyul na ito ay natutunan ko na hindi problema ang demand sa trabaho lokal man o global, ang malaking suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante.

Ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na pupuno sa mga posisyon na kailangan lokal man o internasyonal ay bunga ng kakulangan ng kasanayan sapagkat ang mga ito ay nakatuon din sa kursong pang - akademiko, teknikal - bokasyonal, sining, palakasan, at negosyo. Ang pagpili ng track at strand ay ang unang hakbang upang makapili ng kurso na tugma sa hilig ng isang tao.

Natutunan ko rin na walang trabaho ang makahihigit pa sa uri ng trabaho na pwedeng pasukin ng tao kung ito ay tumutugon sa pangangilangan ng industriya. Mahalaga rin na ito ay batay sa moral na batayan ng paggawa, hilig, talento, at kakayahan. Ang pagkakaroon ng sapat na demand sa mga trabaho sa lokal at sa pandaigdigan ay makatutulong upang  makapili at mapaghandaan ang kursong akademiko, sining, palakasan, teknikal – bokasyonal, at maging pagnenegosyo o hanap - buhay ng isang tao ay susi sa inaasam na tagumpay at pag – unlad ng ekonomiya ng bansa.

Keywords: demand, hanap - buhay

Kahulugan ng Demand: brainly.ph/question/1134793

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog

As A New Generation Of Filipinos What Can We Learn From This Period In Our History

Paliwanag Sa Kabanata 25 Tawanan At Iyakan Sa El Filibusterismo

Kailan Naganap Ang Pananakop Ng Mga Bansang Portugal, Prances, Espanya Estados Unidos At Inglatera Sa Silangang Asya Sa Unang Yugto Ng Imperyalismo