Can Anyone Help Me... , Magbigay Ng 50 Halimbawa Ng Idioma
Can anyone help me...
Magbigay ng 50 halimbawa ng idioma
Mga halimbawa ng Idyoma:
1. Anak-dalita - mahirap 2. Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang 3. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran 4. Bungang-tulog - panaginip 5. Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal 6. Mahapdi ang bituka - nagugutom 7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao 8. Makapal ang bulsa - maraming pera 9. Butas ang bulsa - walang pera 10. Kusang palo - sariling sipag 11. Magaan ang kamay - madaling manontuk,manapok,manakit 12. Kidlat sa bilis - napakbilis 13. di makabasag pinggan - mahinhin 14. nakahiga sa salapi/pera - mayaman 15. nagbibilang ng poste -- walang trabaho 16. namamangka sa dalawang ilog - salawahan 17. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga 19. naniningalang-pugad - nanliligaw 20. ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan 21. makapal ang mukha - di marunong mahiya 22. maaliwalas ang mukha - masayahin 23. madilim ang mukha - taong simangot, problemado 24. dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap 25. panis ang laway -- taong di-palakibo 26. pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw 27. pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal 28. putok sa buho -- anak sa labas 29. makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad 30. pantay ang mga paa -- patay na 30 LANG PO SORRY
Comments
Post a Comment