Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni simoun Sa aking palagay ang naging mitsa ng Paghihimagsik ni Simoun ay gusto niyang Ipaghiganti ang nangyari sa kanyang Ama na si Don Rafael,na ipinakulong ni Padre Damaso na inakusahan na pumatay sa isang Kubrador Si Elias na namatay dahil sa pagtulong sa kanya. at Si Maria Clara,na nagpakamatay dahil siguro sa labis na kalungkutan Gusto ring niya na makalaya na ang mga kababayan natin sa mapang api at mapang abusong nanunungkulan sa pamahalan,sa panghuhusga at pagmamalupit ng mga prayle sa mga tao, I-click ang link para sa karagdagang kaalaman: . brainly.ph/question/110836 . brainly.ph/question/582432 . brainly.ph/question/2110865
Ano ang pasalitang pag uulat s maliit at malaking pangkat Ang pasalitang pag-uulat sa maliit at malaking pangkat ay isang uri ng pagsasalaysay sa harap ng mga tao o tagapakinig. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa liit o dami ng mga tagapakinig. Subalit ang ibayong paghahanda at kaalaman ng isang tagapagsalita ay marapat na maipamalas sa oras ng pag-uulat. Mga Gabay sa Maayos ng Pag-uulat Kinakailangang may sapat at kakayahang makasagot sa lahat ng kinakailangan ng mga tagapakinig batay sa paksa. Ang paksang iuulat ay dapat naaayon sa pagkakasunod-sunod at naihahayag ng buong linaw sa mga tagapakinig. Hiniling din ang tamang lakas ng boses para sa gagawing pag-uulat. Mahalagang angkop ang kasuotan na gagamitin sa gagawing pag-uulat. Higit sa lahat ang tiwala at kompyansa sa sarili ay lubos na hinihingi sa gagawing pagpapahayag ng ulat maliit o malaki mang pangkat ito. Para sa karagdagang impormasyon: brainly.ph/question/1231611 brainly.ph/question/1770317 brainly.ph/question/1876...
Patakaran at program ng pamahalaang aquino at Ramos tungo sa pag unlad ng bansa Mga patakaran at programa ni dating Pangulo Corazon Aquino sa pag - unlad ng bansa ay ang mga sumusunod ang pagbabalik ng demokrasya ng Pilipinas at ang pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayan sa malayang pagboto o pagpipili sa kanilang lider. Nagkaroon din ng libreng edukasyon mula sa elementarya hanggang sa mataas na paaralan ng buong bansa. Ang mga patakaran at mga programa ni dating Fidel V. Ramos sa pag - unlad ng bansa ay ang mga sumusunod: itinaguyod niya ang programang may layunin na makamit ang kaunlarang pang ekonomiya at upang mapabilang ang Pilipinas sa Newly Industrialized Country. Nagkaroon din siya ng programa (NATIONAL UNIFICATION COMMISSION) na layunin nitong makamit ang pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipagsundo sa mga kalaban ng pamahalaan tulad ng mga rebelde.
Comments
Post a Comment